GLADYS B. ASTILLA,27

THE BRIDE

(click here for more pictures)  

from Trece Martires City, Cavite, Philippines

ADMIN OFFICER

FNS Communications Inc. (PLDT Payphones)

MARKETING OFFICER SmartBroadband Internet (Roade Cavite A1)

SCHOOL: 

DE LA SALLE UNIVERSITY (AB Psychology-2003)

 


  ----------------

 

 

JOAN G.CUADATOR ,26

THE GROOM

(click here for more pictures)

from Tierra Nevada General Trias, Cavite Philippines

SMARTBRO ACCREDITED INSTALLER

SmartBroadband Internet

(Roade Cavite A1)

SCHOOL: 

SISSAT COLLEGE (Information Technology)

 

MADALAS KONG MARINIG SA MGA
CONCERNED CITIZENS ITONG MGA KATAGANG ITO:

 "Hindi ka Mabubusog ng Pagmamahal,
mamamatay kang dilat ang iyong mga mata!!"

"Wag ka kay Kuwan, dahil kukurokurokok..."

"Yan ba ang pinagmamalaki mo? Mukhang harrrrrru..."

Puros mga negatibong reaksyon ang nasasagap ng aking dalawang tenga pag dating sa love.. Since Birth.. ewan ko ba!

BAKIT KAYA??

Ngunit, Subalit, datapwat..ika nga nila..

"LOVE IS BAH-BAH-BAH-BLIND"

Dumarating ito sa panahong hindi natin inaasahan..
kagaya ko na lamang.. Iisipin ba natin na nandyan lang sa tabi-tabi ang aking

Man of my Sweety Lovingly Dreams??

at OFFICEMATE ko pa!!

Biruin mo yun? Ito talagang si Tadhana masyadong mapagbiro.

Napakagandang biro nyan Tadhana! hehe..

sabi nga sa kanta ni Sarah Geronimo,

"You changed my life in a moment"

(sa mga nakakakilala sakin, you know what i mean..uuuyyyy.. hehe...)

---
Wala naman akong balak magkaroon ulit ng Boyfriend,
pakiramdam ko nga tatanda na lang akong dalaga..

I'm working as Admin Officer ng PLDT Payphones
at Marketing officer na din ng Smartbro..
Medyo nangangapa pa ako sa Smartbro dahil medyo bago bago pa ako sa linyang ito, di ko pa rin gaanong close ang mga empleyado.

Hanggang sa Nagkaroon ng Hiring, Nagkaroon ng Accreditation Exam.
At isa sya sa mga nagtake ng exam at nakapasa..

Pumukaw sya ng aking atensyon:
Pasulyap Sulyap pa.. Tingin ng Tingin..
Naging iritable tuloy ako nung mga panahong ito.

Sino kaya to??
Ang Guapo nya! isip-isip ko..
crush ko din ang mokong, narealize ko nung huli..

Hanggang sa tinawag ang kanyang pangalan at
siya namang pagtayo nya sa kanyang kinauupuan at

"JOAN GUEVARRA CUADATOR"

<<Joan pala ang pangalan, Machong-Macho>>

----------

at makalipas ang ilang araw, bigla na lang nanghiram sakin ng kung anong cable para sa Cellphone nyang Made in China na alam naman nyang hindi nya magagamit dahil fake ang phone nya. Gagana ba ang Cable ng Sony Ericsson sa China Phone? ika ko sa kanya.. gagana daw, ang sabi nya..Kinuha nya ang Cellphone number ko sa isang kasamahan at Nagpathank you kunwari (style).

Hanggang sa araw araw na kami'y laging mag kausap

kami ay naging

MAG KAIBIGAN.. NAGSULYAPAN, NAGBIRUAN,

AT HALA!!

AKING NABALITAAN NA MAY BALAK SYANG

AKO'Y KANYANG LIGAWAN??

HUWATZZ?!!

NABIHAG NG AKING PUSO ANG MATIPUNONG SI FLORANTE?!!

O KAY SAYA!! HAHAHA!!

HANGGANG SA HUMANTONG NGA KAME SA

LIGAWAN, BOLAHAN, RAMBULAN

AT AYAN...

KAMI NGAYO'Y TUNAY NA NAGMAMAHALAN!! 

 

<<ACCREDITATION EXAM 2008>> 

Si Joan yung may Circle na Red

 

 

Etong Blog na ito ay from my Multiply account.. tinamad akong gumawa ng Love Story namin kaya nag copy paste na lang..

MAY MAILAGAY LANG!!

Ilang Beses ng Nabura..Ilang Beses ko ng Inulit...
Sinu ba naman ang hindi tatamaring paulit-ulit magtype nyan...

Pero ika ko nga:

IN DA NAME OF

"LOVEEDOVEEDOVEEEE"

-gladys b astilla-

<<All Rights Reserved 2009---charos! may ganun??>>

 
 
Make a Free Website with Yola.